Tuesday, July 30, 2013

The Kilig-Honesty Scale

Kung alam mo yang kausap mo ay may crush sa iyo (o at least feel mo lang kasi feeler ka), mag-ingat ka sa mga sinasabi mo.

Introducing "The Kilig-Honesty Scale"!


Ang honesty mo ay directly proportional sa kilig na binibigay mo.

Kung honest ka sa sinasabi mo at sobra yung kilig factor, romantic na yun. Mababaw na romantic pero romantic pa rin.

Kung sinungaling ka naman pero malakas yung kilig factor, paasa ka, for a lack of a better term kasi alam mo ngang may crush siya sa iyo, ayaw mo nga siya, at papakiligin mo pa? Ano ka? Dyosa?

Kung di naman totoo ang pinagsasabi mo at walang kilig factor, sinungaling ka lang. Liar liar, plants for hire. O kung anuman yung tamang phrase na yun.

Ang dapat mong gamitin ay direct honesty. Totoo naman ang sabi mo pero walang kilig. Ito ang kinakailangan pag gusto mong sabihin na wala siyang pag-asa sa iyo.

Again, first draft lang ito ng Kilig-Factor Scale kasi mahirap i-determine kung pinapakilig mo nga yung tao o ginagago ka lang niya kasi feeler ka.